Usap tayo…


Halika, usap tayo. Alam mo ba na sobrang saya ko ngayong araw na ito? Wala naman specific reason, minsan naman kasi dib a very light ang pakiramdam, kahit walang specific reason gaya ng increase sa sweldo (sana), job promotion (uy!), o kaya paggulong sa hagdanan ng kaaway (bad)…Actually, hindi ko naman talaga hinahangad ang promotions o increase sa sahod, kung ibigay ni Lord yun, swerte! (swerte?) blessing pala..hehe…lalong nde ko din hinangad ang masaktan ang kapwa ko..isa pa mahirap makitang gumugulong sa hagdan ang kaaway. Pagbintangan pa akong nanulak ay! Kiddin’ aside, I’m happy.

Sana pati ikaw ay masaya. At mas madami pang tao ang masaya din. Magkaroon tayo ng magaang pakiramdam. Mahirap yung may dinadala tayong sama ng loob, hinanakit, o inggit kaya. Palitan natin ang mga negatibong pakiramdam na yan ng mga positibong instincts (feng shui?haha). Bigyan natin ng magandang vibrations ang paligid. (ma-d-d.a. ako nito (disciplinary action)) Ang ibig kong sabihin, ba’t magpapakahirap tayong magkimkim ng sama ng loob kung pwede namang hindi tayo paapekto sa mga pangyayari.

E minsan, nangyayari talaga yung mga panahong down na down tayo. Panahong nagtatanong tayo kung bakit ba natin pinagdaraanan ang mga dinaranas natin. Isipin na lang natin na dati hindi tayo nalalapit sa siga (bonfire, hindi yung mamang nangingikil sa kanto..hehe), tapos ngayon ay dumadaan na tayo sa apoy. Bakit? kasi di ba promise naman ni Lord na hindi Niya tayo papabayaan. Panghawakan natin yun. Dumadaan tayo sa apoy para dalisayin tayo. Kasama sa proseso ng pagdalisay yung pagsunog sa mga niyayakap natin na hindi naman gusto ni Lord.

Bakit ko naman nai-s-share ito? Kasi nga masaya ako. Siguro kasi patuloy kong pinagtatagumpayan ang araw-araw na ginawa ni Lord. E may mga hindi pa pinagtatagumpayan, pero my time will come. Minsan gradual, minsan radikal (parang aktibista lang). May mga attachments tayo sa mundo na minsan hindi natin mabitawan, and it takes God para makawala tayo sa bondage na yun. Hayaan natin Siya kumilos sa buhay natin.

Masaya ako…I hope ikaw din. God bless.

Advertisements

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s