mula sa aking malikot na isip


  • Ba’t naman kasi ganun?

Amporma ng buhay natin..yes, talagang napakaporma..isipin mo lang na isa kang mapalad na nilalang. Bakit? E kasi hindi ka nagingpet ko..hehe..kung naging loro ka na lang sana, e di nakakulong ka sa hawlang maliit, at puro pellets ang kinakain mo…not to mention na maigsi lang lifespan mo..hehehe…o e panu kung naging german shepherd naman kita, e di tahol ka ng tahol…lagi kang may suspicious feelings na may intruder na papasok sa bahay ko..at galit ka sa mga gumagalaw. Especially sa mga mukha ng mga friends ko na nde naman kagandahan at kakisigan..hekhekhek…biro lang hane…o eto pa, panu kung naging monkey ka in the jungle zone…e di tago ka ng tago..nde mo pa alam na mukhang unggoy ka na pala..andilim kaya sa gubat..taz andami pang ahas to the max..taz within the
heart of the forest e nde na halos tumatagos ang sikat ng araw, kaya yun, halos gabi na kahit tanghaling tapat. Anghirap maging ibang nilalang bukod sa tao noh?

  • Buti na lang…

Kapag may mga panahong andami nating problema sa buhay na
usually self-inflicted, parang nakakalimutan natin ang mga simpleng bentahe ng pagiging tao natin..parang korni ang dating pero totoo yun,bok! Habang dumadami ang problema, habang na-p-pressure tayo, lalong kumikitid minsan ang mga pag-iisip natin. Sabi nga ng lolo ko, pumupurol daw ang pag-iisip, parang itak daw, habang nagagamit e pumupurol… I wonder anu’ng nangyari sa utak ko, nde ko naman ginagamit madalas..hehe..joke lang po…o, balik tayo.. ‘lam nio, dapat nga maging matatag tayo sa pagdaan ng panahon kasi we ought to learn from our own mistakes and mistakes of others, as well.. pero may mga pagkakataon (ewan ko kung na-encounter nio na ‘to) na ready tayong harapin ang mga solid blows sa buhay natin pero pag tinamaan ang narrow nerve natin, bumibigay tayo… ang termino ko dyan e ung mga freak hits. Gaya na lamang nga magkapatid o mag-asawa na nag-aaway sa angkop na pagpisil sa toothpaste – sabi ng isa, sa dulo para walang masayang na toothpaste, sabi
naman ng isa, sa gitna kasi naman e plastic tube na di gaya ng dati na aluminum… anyway, spices lang sa buhay natin yan, para ma-appreciate mo ang pagkakasundo, paminsan-minsan mag-away naman kayo..hekhekhek….buti na lang at natututo din tayo (sometimes we learn in a hard way) at yan ang nagpapatatag sa atin…

  • ‘Pag siya naman….

Minsan, may mga taong naaasar pag ang kakilala ay nagtatagumpay… inggit siguro…pero may mga pagkakataong nde naman sa naiinggit siya..un bang tamang asiwa lang siya pag may na-promote (sa workplace) o pag may guminhawa sa buhay na kaibigan kaya…insecure bang matatawag un? maari..pwede ring historical un, na dati na siyang mayaman taz naghirap ulit kaya anlaki ng galit sa yumayaman at kinukumbinsi sa sarili na balang araw maghihirap din ang yumayamang yan.. kainis ng ganun noh? Matuwa na lang siya sa tagumpay ng iba.. ewan ko ba, siguro ngamisery loves company..o sadyang sakit na nia un… buti na lang nde ako siya.. hinihiling ko ang tagumpay niong lahat na nakapaligid sa akin…bakit? E siyempre, pag yumaman kayo at ambunan nio ako, aba, pag naipon ko yun baka mas mayaman na ako sa inyo..hehehe..joke lang… parasite!

  • Okey lang ‘yun…

Para bang sinasabi minsan ng mga taong nakapaligid sa iyo na
you have to settle for something less. Kainis din ng ganun,hano? Biruin mo, bigyan ka ng limitasyon? E pwede naman sabihin nila na may open opportunities pa for you; na pwede ka pang mag-grow
beyond your present stature.. siguro naman e masyado silang busy sa mga buhay-buhay nila na awkward para sa kanila na i-push through ka..baka nga naman sabihin mo na pinapangunahan ka nila, db? Playing safe din sila…un para bang okey lang ang stature mo now but if you want something better, go for it.Nevertheless, okey lang yun..

  • Bakit naman kelangan natin si Lord?

O, nasa bottom line na tayo… anuman mga katanungan o curiosities nio sa buhay, bakit naman merong absolute answer pag involved na si Lord? E kasi, andun ung trust natin… ewan ko kung na-encounter nio na to, pero di ba pag minsan na dapang-dapa na tayo sa mga hamon ng buhay, e nananalangin tayo? Ganun nga talaga ang nature natin,mga bok.. habang kaya natinon our own, sige pa rin tayo…pero pag bumigay na lahat ng stronghold, ayun, pray na tayo kay Lord… naisip ba natin na kaya minsan sandamakmak ang mga problema natin e kasi nakakalimutan na nating magpasalamat sa Kanya? Totoo yan… tandaan nio to,
mga kaibigan, mas masarap humarap sa pagsubok pag alam natin na kasama natin ang Dios at tinutulungan Nia tayo at hindi tayo nakakaramdam ng pag-iisa, un bang wala tayong feeling na parang pasan natin ang buong mundo…

Basta, anuman ang kinakaharap natin ngayon, Jesus is more concerned of unleashing His power in your life, and in return, express your gratitude to Him by living a prayerful life, desiring to advance His kingdom here on earth, as it is in heaven.. God bless you guys!

This blog entry was originally posted on my friendster blogsite dated 23rd July 2008

Advertisements

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s