pagiging kristiyano…


i’m into training one day, and the lecture is so boring that i’d even managed to write an article…the article goes this way…

Masarap maging kristiyano. Kristiyano in such a way na fully sold-out ka sa paglilingkod sa Panginoon. Maraming opportunities para magningning tayo in the crowd. Sometimes, you don’t have to say a word. Makita lang nila ang lakad mo sa paglilingkod, enough na ýun para maniwala silang may Diyos na buhay. Just flow lang, sabi nga nila. Ang pagsunod sa Panginoon ay hindi namn nakukuha overnight. Lahat tayo, dumadaan sa proseso, and along the way, marami an gna-e-expose sa atin. Sa dami ba namang kamunduhan ang mai-feed sa atin, syempre it will take time para ma-extract ang lahat ng mga iyon. Isama pa natin ang inconsistencies sa part natin – minsan excited, minsan deppressed. Pero wag tayong panghinaan ng loob. Kung ang Diyos nga, hindi sumuko sa atin kahit tumalikod tayo sa Kanya,diba? Tapos nagsawa tayo sa kakatalikod sa Kanya, ayun, kinalaban pa natin ang will Niya. Hangad lang naman ng Panginoon na magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan, bakit patuloy pa nating niyayakap ang temporal na mundong ito, and all the hell this world has to offer? Akala ng iba, madaling maging Kristiyano, syempre hindi. Pero posibleng magpaka-Kristiyano sa harap ng Diyos at ng tao. Akala pa rin ng iba, sobrang hirap maging Kristiyano. Lalong hindi naman. It’s a question of desire. Kung mahal mo talaga ang Panginoon, Siya lang ang makakapagpaligaya sa iyo, at ituturing mong kaganapan ang mapangiti Siya sa araw-araw. Bale-wala sa iyo ‘pag sinasabi ng ibang tao na hangal ka, when they call you by names, pag sinasabi nila na deprived mo na ang sarili mo at karapatan mong lumigaya. Sa totoo lang, sa Diyos mo lang masusumpungan ang ganap na kaligayahan. At ‘pag sinabi kong “ganap”, aba e, talagang ganap – walang drawbaccks o tradeoffs. Ang pagka-in-love sa Panginoong Hesus ay higit pa sa “alive! alive!; Katulad ito ng breakdance pag praise and worship; quiz-bee sa biblical district; jampack rally ng March for Jesus; sold-out “The Rock”of my salvation at KNAD(Kasama Natin Ang  Diyos) at Papuri concerts (idagdag pa ang Hillsong United..rock on!!); mula sa “Beep! Beep! School Bus!” hanggang “Tanikalang Lagot” at “The Inspirations” ng DZAS. Sa mga ganyang medium naipapahayag natin ang gratitude natin mula sa paglalang ni Lord sa atin hanggang sa pag-iingat Niya. Ngunit pinaka-da-best ay pag Yes Lord! pa rin tayo sa pinapagawa Niya kahit madami tayong mga “what if’s”… Ýung pagtitiwala natin sa Panginoon na anuman ang mangyari,nariyan Siya para sa atin.  ‘ Yung passion na nag-p-preserve sa atin, ay ang pagnanais natin na malugod ang Diyos sa atin. Mapangiti mo nga ang Panginoon, boundary ka na eh! How much more kung palagi kang nasa pag-iingat Niya? Di ba ansarap ng feeling? Mula nang makilala ko ang Panginoon hanggang ngayon, hindi ko pinanghinayangan ang sumunod sa Kanya. Todo-hinayang ako sa mga panahong pinalipas ko, mga opportunities for me to grow in faith na pinalagpas ko, hanggang i’m moving into circle na, ultimately, sabi ko, ënough is enough! Alam mo, nung tinuldukan ko na ang mga kakulitan ko, i’d received my breakthrough, and no amount of joy ang makakatumbas sa kaligayahang naramdaman ko. Iba talaga ang mabuhay at the mercy of our Lord Jesus Christ. Hindi ko kayo iniingit ha. Lahat naman tayo may pagnanais na mamuhay ng matuwid sa harap ni Lord. Ikaw? Kundtento ka na ba sa lagay mo sa ngayon ayon sa paningin ni Diyos? Kung oo, ipagpatuloy mo yan kapatid, kita tayo sa finals. At kung hindi naman, try someting else. Try mong mag-attend sa mga born again service..malay mo… God changed my life, He can change yours, too.. Pagpalain pa po tayo sa ngalan ng ating Panginoong Hesus…

This blog entry was originally posted on my friendster blogsite dated 17th February 2009

Advertisements

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s