Remembering Kuya Bert


Remembering Kuya Bert

Katatapos lang ng aming gathering sa oval. Isa-isa na kaming tumatayo habang nagpapaalamanan sa isa’t-isa. Hay, kaysarap talagang kantahin ang “i could sing of your love forever” kasama ang mga mababait na classmates sa college of business administration, at mga kaibigan sa ibang college.

Bigla sumagi sa aking isipan na pwede naman pala kaming maging masaya nang hindi nagkakasala. Topic pa kanina sa gathering namin ung the devil and the duck. Kakatuwa ang story na yun, narinig mo na ba? Pag hindi pa, i-google mo na lang. Sa mga classmates ko kasi, pag nagbiruan kami, naku, hindi mo maawat! Lahat kami masaya. Minsan nga kahit medyo berde na ang usapan ay tawa pa rin kami.. Panu, malalaya kaming lahat, walang magulang na nagbabawal, walang teacher na masungit, basta malaya kami pag nagbibiruan. Kaso, pag nag-iisa na lang ako, naiisip ko, bad pala. Nag-g-guilty pa tuloy ako. Kaya kapag andito ako sa gathering, ansaya ng pakiramdam ko. Alam mo ba ung feeling na nagkakasama kayo para mag-jamming? Mag-jamming na hindi gaya ng jamming sa mga tropa ko, kundi jamming na nag-uusap-usap lang kami habang nakaupo sa damo sa oval, nag-s-share ng mga experiences, at feeling ko napapalapit ako lalo kay Lord. Sa totoo lang, dito ko naramdaman yung closeness ko kay Lord. Ayan, medyo nahihiya man akong sabihin sa inyo, natututwa ako kasi kaya ko nang aminin na sinner ako sa harap ni Lord, at pinatawad na ako ni Jesus.

May isang sinabi si kuya bert na lagi kong naaalala. Hindi ko na nga malimutan eh. Ano na nga ba yun? Hehe, nagbibiro lang, medyo may pagkatopak pa rin ako eh, pero seryoso, sabi ni kuya bert, “ginawa na ni Lord yung part Niya, pinatawad na tayo. Ngayon, pagkakataon na natin para i-express naman natin ang gratitude natin sa Kanya.” Yan ang eksaktong wordings na laging sinasabi ni kuya bert. Halos tuwing gathering nga namin ay nasasabi niya yun. Gratitude, nung una medyo naengotan ako sa term na yun. E sa layman’s term ay “pagtanaw ng utang na loob” lang pala yun.. Pero sa totoo lang, masaya ang gathering. Alam mo yung feeling na alam mong totoong tao ang kaharap mo? Yun bang hindi ka matatakot na i-share ang nararamdaman mo kasi alam mong hindi ka nila ilalaglag.

Hindi ko akalain na friendly palang kausap ang mga born agains (tama ba?). Yung mga tinatawanan namin ay hindi pala mga taong mabababaw ang kaligayahan. Sila pala ay mga seryosong tao. Seryoso in such a way na pag kasalanan sa kanila, ayaw nila (dine-deprived nila sarili nila..), pero pag biruan naman, sobrang magbiro. Pansin ko lang, kahit anlalakas magsitawa ng mga yan, ni hindi ko man lang narinig na mapamura at magbiro ng berdeng jokes.

Kanina, kinalabit ko si ate romely, tinanong ko kung bakit ganun na lang sila ka-interested na mag-share sa amin. For the first place, hindi naman na estudyante si kuya bert. Tipid lang ang sagot sa akin ni ate, sabi niya: “love kasi kayo ni Lord.” Haha, korni naman! Pero at the back of my mind, may curiosity sa akin, at gusto kong maramdaman yung pakiramdam na yun. Iba siguro ang feeling nang nag-s-share. Sinubukan kong mag-share kay nanay, pinagalitan pa ako. Sinabi ko lang, ‘ nay, mahal po kayo ni Lord..’ Pero gaya nga ng sabi ni kuya bert, si Lord naman daw ang pini-pleased ko hindi tao. Kaya bukas try ko ulit sila batiin ng ‘magandang umaga, sabi ni Jesus..’ Sa totoo lang, medyo dyahe pag ‘Jesus’ ang sinasabi ko, kaya ‘Lord’ ang ginagamit ko. Parehas lang naman yun, di ba? Pero subukan ko ung ‘Jesus’, hanggang masanay ako..hehe..

Kumakaway na si kuya bert. Ba-bye na daw muna. Sa Miyerkules daw ulit. Hay, sana bukas na ung miyerkules. Ako kasi naka-iskedyul na mag-te-testify. At first time kong mag-promise kay Lord, promise po, sasabihin ko yung resulta ng pag-greet ko ng ‘magandang umaga sabi ni Jesus’ sa mga parents ko.. bumait man sila o hindi, alam ko napangiti ko si Lord, ay si Jesus din pala..ay, ewan! Haha..

Long-Distance Relationship


Long-Distance Relationship

Where you just can’t get enough! It’s when there’s always a reason to miss each other… It’s when our hearts feel beyond our senses… It’s taking advantage of every minute of a conversation, seizing the moment… It’s a thrill of looking forward on seeing each other again… It’s having an assurance that no matter what, we’ll be faithful… It’s entrusting each other’s heart to the Maker, to the very reason and center of our love – Jesus.

“It was also called Mizpah, because he said, “May the LORD keep watch between you and me when we are away from each other.” -Genesis 31:49