gising pa…


madaming tumatakbo sa isip ko…sa paglipat ng kalendaryo, lumipat na rin ang aking kaisipan sa panibagong yugto ng kasaysayan. umukit na naman ako ng mga pangarap sa papawirin upang isakatuparan ng isanlibot’-isang pagsisikap at pagpupunyagi. hindi maikukubli ang saya’t galak ng isang taong tumatanaw sa isang maaliwalas na bukas na sa kabila ng kadilimang tinatahak ay payapang inaasam ang pagputok ng unang silahis ng araw sa dakong silangan. madilim…literal…kita…ramdam…nanunuot sa kalamnan ang dampi ng hanging may lakip na hamog. Malapit na ang umaga. Malapit nang malagpasan ang dawag na punumpuno ng mga tinik at ulupong..at bitag na pilit na pumapatay sa maliit ngunit maalab na adhikain. Mamaya na ang bukas. At sa pagputok ng bagong araw ay sasalubungin ng tuwa’t saya ang bagong kawal ng paggawa.

-buhay-OFW

Advertisements

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s